Wednesday, August 4, 2010

Ako Ikaw Tayo/I You We















(ISINALIN MULA SA SANAYSAY NI MICHAEL JACKSON)

Ang sabi ko, gagawin mo. Ang sinabi mo, ayaw mong gawin. Pinag-usapan natin iyon, at pinagpasyahan natin na siguro ay makakatulong ako. Ang sabi ko ay nagkakamali ka. Iginigiit mo naman na ikaw ay tama. Hinawakan ang kamay ng isa’t-isa, at ang tama’t mali ay naglaho.


Napaiyak ako. Ikaw man ay napaiyak din. Tayo’y nagyakapan, at sa pagitan natin ay may sumibol na kapayapaan.
Lubos na ikinatutuwa ko ang hiwaga na Tayo! Saan ba ito nagmumula, sa ihip ba ng hangin? Ako’y nag-isip tungkol sa misteryong ito, at may napagtanto ako: siguradong Tayo ay ang pinakamamahal na anak ng Pag-ibig, dahil hanggang ako’y lumapit sa iyo, Tayo man ay hindi nariyan. Dumarating ito sa mga pakpak ng kabutihan; ito ay nagsasalita sa pagitan ng ating tahimik na pagkakaintindihan. Kung pinagtatawanan ko ang aking sarili, ito’y ngumingiti. Kung ipinagpapatawad kita, ito’y sumasayaw sa galak.
Kaya Tayo ay hindi na isang bagay na pinagpipilian, kundi man ikaw at ako ay nais umusbong sa isa’t isa. Tayo ang nagpapaisa sa atin, nagpapalakas sa atin; ito’y pumapasan sa aking at iyong paghihirap nang ito’y malapit na nating bitiwan. 






Ang katotohanan ay ako at ikaw ay maaaring sumuko, ngunit Tayo ay hindi magpapayag. Sadya itong napakamarunong. “Sumulyap sa inyong mga puso”, wika nito. “Ano ang inyong nakikita? Hindi lang ikaw at ako, kundi Tayo".



(ORIGINAL TEXT)

I said you had to do it. You said you didn’t want to. We talked about it, and we agreed that maybe I could help.





I said you were wrong. You insisted you were right. We held each other’s hand, and right and wrong disappeared.
I began crying. You began crying, too. We embraced, and between us grew a flower of peace.
How I love this mystery called We! Where does it come from, out of thin air? I thought about this mystery, and I realized something: We must be love’s favorite child, because until I reach out for you, We is not even there. It arrives on the wings of tenderness: it speaks through our silent understanding. When I laugh at myself, it smiles. When I forgive you, it dances in jubilation.

So We is not a choice anymore, not if you and I want to grow with one another. We unites us, increases our strength; it picks up our burden when you and I are ready to let it fall.

The truth is that you and I would have given up long ago, but We won’t let us. It is too wise. “Look into your hearts,” it says. “What do you see? Not you and I, but only We”.

No comments:

Post a Comment