an anthem of 27 years ago: Handog ng Pilipino sa Mundo
sung by: Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit
'Di na 'ko papayag mawala kang muli.
'Di na 'ko papayag na muling mabawi,
Ating kalayaan kay tagal nating mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.
Magkakapit-bisig libu-libong tao.
Kay sarap pala maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kailan man 'di na paalipin.
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
(magsama-sama tayong lahat, ikaw at ako)
Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ang mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari at sundalo.
Naging langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!
No comments:
Post a Comment